Ang Kuwento ng mga Martir ng Sapang Bato
Inilathala noong June 2, 2023
Ang artikulong ito na tungkol sa mga Martir ng Sapang Bato ay naglalaman ng mga kwento ng mga Human Rights Violations Victims ng panahon ng Batas Militar. Para basahin ang kabuuan na Roll of Victims, tignan ang link na ito: Roll of Victims
Ang artikulong ito na tungkol sa mga Martir ng Sapang Bato ay mayroong Ingles na bersyon. Para basahin ito a Ingles, pindutin sumusunod na link: Artikulo sa Ingles

Unang Sangkapat: Ang Namumuong Sigwa

Isang plakard, na nakalagay ang linyang “MARCOS, IMELDA, VER – WANTED FOR MURDER!!”, isa sa maraming sigaw sa mga protesta laban sa pagkakapatay kay Ninoy Aquino noong 1983. Larawan inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.
Maituturing na panahon ng kaguluhan sa Pilipinas ang taong 1984. Ang ekonomiya; hindi matatag. Ang pulitika; balot sa krisis. Laganap din ang karahasang kaugnay ng paparating na halalan para sa bubuo ng Batasang Pambansa. Mabagal rin ang paggapang ng bansa tungo sa kasaganahan, buhat ng matinding epekto ng krisis pang-langis noong dekada ‘70. Ang malalaking utang, na inilalaan para sa mga proyektong imprastruktura at pinansyal, ay naging malaking pabigat sa bansang sumusubok umahon.[1]
Lumala ang lahat ng ito noong 1983, nang mapatay sa Manila International Airport ang dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino. Isa si Aquino sa mga nangungunang kritiko at katunggali ni Pangulong Ferdinand Marcos. Kaya naman, hindi nakagugulat na napunta ang hinala sa pagpaslang kay Aquino sa administrasyon nito at kanyang mga tauhan. Napilitan mismo sina Ferdinand at Imelda Marcos na harapin ang mga akusasyon ng kanilang pagkakadawit sa insidente.[2] Nagdulot ng malawakang protesta ang pagkamatay ni Aquino. Nagtungo sa lansangan ang mga Pilipino upang ipanawagan ang pagbitiw ni Marcos sa puwesto.[3] Marami sa mga protesta ang nauwi sa sagupaan sa pagitan ng mga raliyista at mga militar at pulis. Dahil dito, lumakas ang pagdududa at pag-aalangan ng mga dayuhang bangko at ng International Monetary Fund (IMF) sa kapasidad ng bansang mabayaran ang mga utang nito.[4]
Kalaunan, ang mga sigaw ng paghingi ng hustisya para kay Aquino ay naging mga sigaw ng pagtawag para sa boykot – ang hindi paglahok sa nalalapit na halalan. Naging mas aktibo ang kilusang ito kumpara sa nakaraang eleksyon.[5] Maraming naniniwalang gagamitin lamang ng pamahalaan ang halalan upang patagalin ang kapit ng mga Marcos sa kapangyarihan. Ipagpatuloy nito ang ilusyon ng demokrasya. Tatanggap si Marcos ng ilan lamang sa mga kondisyon ng oposisyon upang magpakita ng antas ng katatagan para ikalma ang agam-agam ng IMF at mga ibang pinagkakautangan.[6] Kinondena ng iba’t ibang grupo ang hindi pagtanggap ni Marcos sa ibang mga kondisyon, na lalong nagpaigting ng kawalan ng tiwala sa eleksyon. Kabilang dito ang grupong Justice for Aquino, Justice for All (JAJA) Movement, na nanawagan para sa boykot dahil naniniwala silang katumbas ng pagtraydor sa interes ng mga mamamayan ang paglahok sa halalan.[7]

Ikalawang Sangkapat: Pag-asa Para Mapagtagumpayan

Listahan ng krimen ng rehimeng Marcos laban sa mga tao, nakasulat sa tarpaulin at dala ng mga magsasaka sa isang protesta sa Camarines Sur noong Mayo 7, 1984. Ang nakasulat sa tarpaulin: Eleksyon panloloko sa tao. Iboycott ang eleksyon. Palayain ang mga bilanggong politikal! Itigil ang panunupil sa mga demokratikong Karapatan! Ilantad at tutulan, karahasang military!. Larawan inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.
Boykot sa Sapang Bato
Umabot sa mga lokalidad ang kilusang boykot. Marso isinagawa ng mahigit 40,000 katao – na binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, magaaral at iba pa – ang Lakad para sa Kalayaan ng Bayan, o LAKBAYAN. Isa itong martsang nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at nagtapos sa Quirino Grandstand sa Manila.[8] Sa Mayo, bago ang halalan, isinagawa naman ang Sakay Para sa Kalayaan ng Bayan, o SAKBAYAN. Nagkita sa Luneta ang mga taong sinamahan na rin ng mga batang pesante, pati na rin ang mga tsuper ng jeepney at drayber ng tricycle.[9] Maririnig sa parehang martsang ang panawagan para sa boykot. Umalingawngaw ang panawagang ito sa iba’t ibang lokalidad sa bansa.
Matatagpuan ang isa sa mga lokalidad na ito sa Pampanga. Ang maliit na bayan ng Sapang Bato, na makikita malapit sa Clark Air Base, ay tahanan ng mga mamamayang inaabuso. Dahil sa lapit nito sa base, karaniwang pinagsasamantalahan noon ng mga Amerikanong sundalo ang mga residente. Pinagtratrabaho sa base ang mga residente habang ang kanilang bahay ay ginagamit para sa iba’t ibang negosyo. Lumilibot din dito ang mga tauhan ng Philippine Constabulary (PC) at ng Civilian Home Defense Forces (CHDF). Itinalaga ang mga ito sa lugar para umano’y protektahan ito sa mga radikal at subersibo. Sa kabila nito, batid ng karamihan na naroon lamang sila upang supilin ang pag-aalsa at tulungan ang mga lokal na opisyales at kandidato ng administrasyon.[10]
Marami rin ang mga problemang pang-ekonomiya ng komunidad. Dahil sa pang-aabuso, bihira ang mayroong permanenteng trabaho. Marami ang nagtatrabaho sa konstruksyon o bilang drayber ng tricycle, bartender or waitress. Marami rin ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral dahil hindi nila ito matustusan o dahil napilitan sila para matulungan ang pamilyang kumita. Nasisira ang mga pamilya ng kahirapan at droga.[11]
Dahil dito, kinamuhian ng mga residente ang mapang-abusong sundalong Amerikano at ang marahas na sundalong Konstabularyo. Higit dito, kinokondena nila ang administrasyong kasabwat ng mga Amerikano at may kontrol sa Konstabularyo. Habang lumalapit ang halalan, sinimulang kausapin ng mga lokal na lider ng komunidad ang kanilang nasasakupan sa posibilidad ng pagsasagawa ng boykot. Mukhang nagbunga ang kanilang pagsisikap. Noong nagkaroon ng halalan sa pagkapangulo noong 1981, mayroong 6,000 botante ang Sapang Bato. Bumaba ang bilang na ito sa humigit-kumulang 3,000 ng taong 1984, at mga 2,000 lamang sa mga ito ang bumoto. Dahil dito, naging imbitasyon din ito para sa panganib sa mga lider ng kilusan. Ngunit hindi na ito bago sa kanila – o sa tatlo sa kanila – dahil nakaranas na sila ng panganib.[12]
Ang Tatlong Batang Pinuno
Ang tatlo ay sina Claro Cabrera, Rolando Castro, at Pepito Deheran. Batid na nila ang kahirapan, noon pa mang mga binata pa sila. Hindi sila nakapagtapos ng high school. Nagtrabaho si Cabrera sa construction para suportahan ang kanyang nanay at pitong kapatid. Elementarya lang ang natapos ni Castro, na nagtatrabaho bilang drayber ng tricycle para buhayin ang kanyang asawa’t mga anak. Ito rin ang naging trabaho ni Deheran pagkatapos huminto ng pag-aaral para makatulong sa pamilya. Naging malapit na magkakaibigan ang tatlo at hindi nawalan ng pag-asa. Karaniwang naglalaro ng basketbol si Deheran. Naging ninong pa sila ni Cabrera sa dalawang anak ni Castro. Nagba-basketbol din si Castro, ngunit kasama ang mga bata sa komunidad. Tinuturuan nila ni Cabrera ang mga ito ng gawaing kamay (handicraft) para makaiwas ang mga ito sa tukso ng droga. Nagtayo pa ang tatlo ng isang kubong nipa malapit sa bahay ni Cabrera, at dito sila karaniwang nagpapalipas ng oras.[13]
Ang kanilang optimismo ay kita rin sa kanilang adbokasiya. Noong 1980s, nagsimula silang tumulong sa Concerned Citizens of Pampanga, isang makamasang organisasyon sa Gitnang Luzon, upang tumuon sa kampanyang pang-karapatang pantao at kapakanang panlipunan. Matapos ang pagkakapatay kay Ninoy Aquino, sumama ang tatlo sa mga protesta at kalauna’y nangampanya para sa kilusang boykot. Nag-organisa pa sila para rito.[14] Sumama rin sila sa kanilang kapwa mga manggagawa sa martsa ng LAKBAYAN at SAKBAYAN.[15]
Sa pagbabalik-tanaw, hinuha ng kanilang mga magulang na alam na nila ang panganib sa kanilang buhay. Napagbintangan na bilang miyembro ng New People’s Army (NPA) si Cabrera. Natutukan na ng baril ng CHDF si Castro. Sinabihan pa nito ang kanyang tatay na ipagpatuloy ang kanyang laban kung siya man ay mamatay.[16] Sa kabila ng lahat ng ito, hindi sila sumuko. Matapos ang halalan noong Mayo, karaniwan pa ring nagkikita ang tatlo sa kanilang kubo. Sa dulo ng buwang iyon, nagpaalam sila sa kanilang mga magulang para magkita, para naman sa despedida ng isang kaibigang patungo sa Middle East para magtrabaho.[17] Magkikita lamang sana sila tulad ng nakagawian.
Ikatlong Sangkapat: Isang Labang Dinaya
Ang Insidente
Bandang 2:00 AM ng Mayo 28,[18] nasa kubo sina Cabrera at Deheran nang lapitan sila ng isang dyip ng militar. Bumaba ang anim na lalaki – apat na naka-unipormeng sundalo ng PC at dalawang operatiba ng CHDF. Isinakay nila ang dalawa sa dyip kung saan naroon na si Castro; siya ay nadampot habang nagpapasada ng tricycle.[19] Dinala sila sa himpilan ng ika-174 batalyon ng PC, at dito sila itinali at paulit-ulit na binugbog. Inakusahan ang tatlo ng pagiging subersibo at rebelde, at sinubukang paaminin na sila’y miyembro ng NPA, ngunit mariin nila itong itinanggi.[20] Sila’y patuloy na ikinulong at tinortyur nang halos tatlong araw. Patuloy na ginigiit ng militar na may sala sila dahil sa kanilang pagsali at pamumuno sa kilusang boykot.[21]
Ika-31 ng Mayo, nang walang pinatutunguhan ang interogasyon, dinala ang tatlo sa isang madilim at lihim na lugar. Bigla silang pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan. Nang makitang hindi na humihinga, dinala sila sa kalapit na Ilog Apalit, at itinapon ang kanilang mga katawang isang kilometro ang layo sa isa’t isa.[22]
Laslas ang leeg at tadtad ng hiwa ang katawan ni Castro; danak ang dugo ni Cabrera mula sa mga saksak sa kanyang katawan. Pareho silang binawian ng buhay sa lugar ding iyon. Sa kabilang banda, sa kabila ng mga saksak, sugat, at bali sa binti, nagawang magpatay-patayan ni Deheran upang makaligtas. Nakuha niya ang atensyon ng mga dumadaan sa kalsada at nadala siya sa Central Luzon General Hospital.[23]
Ang mga Huling Oras ni Deheran
Nang mabalitaan ng pamilya ni Deheran ang pangyayari, agad silang sumugod sa ospital. Dito naikuwento ni Deheran sa kanyang ina ang nangyari, kasama na ang pagkamatay ni Cabrera at Castro. Nagawa pa niyang tukuyin ang dalawa sa mga salaring CHDF. Walang name tag ang mga naka-unipormeng sundalo ng PC kaya hindi niya ito nakilala. Nanatili sa ospital ang nanay ni Deheran at kanyang mga anak upang bantayan ito. Dahil sa labis na pangangailangan nitong maoperahan kaagad, binilinan ang nanay ni Deheran na bumili ng bag ng dugo. Dito pa lamang, naramdaman na niya ang presensya ng mga umaaligid-aligid sa kanyang anak.[24]

Kinaumagahan, nagbabantay ang nanay ni Deheran sa labas ng intensive care unit, kung saan nagpapahinga si Deheran matapos ng kanyang operasyon. Napansin niya ang isang lalaking humila sa general switch ng ospital, na siyang nagputol ng elektrisidad. Nabalisa ang mga tao. Sa gitna ng kaguluhan, isa pang lalaki ang pumasok sa kwarto ni Deheran. Maya’t maya narinig ang sigaw ng kapatid ni Deheran mula sa loob ng kwarto. Pagpasok ng kanyang ina, nakita niya si Deheran habang hawak nito ang isang sugat, kung saan lumalabas ang isang berdeng likido. Ipinalagay nilang ito ay lason.[25]
Lumala ang kalagayan ni Deheran matapos nito. “Sinabi [niya] sa akin na huwag na siyang iwan sa kanyang tabi sapagkat mamamatay na raw siya,” sabi ng nanay ni Deheran. Naging balisa ito, at madalas magsuka at kapusin ng hininga. Sa kabila nito, nagawa pa rin ni Deheran na makwento ang nangyari sa kanya hapon ng Hunyo 2 sa mga bisitang abogado, doktor, at madre. Nakasulat din siya ng sinumpaang salaysay na nagsasaad ng lahat ng nangyari, kasama na ang pagkilala niya sa mga salarin. Subalit, pagkatapos lamang ng humigit-kumulang tatlong oras, pumanaw na rin siya.[26]
Nadayang Laro

Tila simula pa lang, dinaya na ang tatlo. Sila ay ikinulong, binugbog, at sa huli ay pinatay dahil lamang pinaghinalaan silang mga rebelde; hinalang nabuo lamang dahil sa kanilang paglahok sa kilusang boykot. Hanggang sa huli, itinanggi nilang sila ay mga rebelde. Itinanggi rin ng kanilang mga pamilya ang paratang na ito. Maging ang kapitan ng kalapit na barangay Sapang Palay ay dumepensa rin para sa kanila. Kahit na siya ay isang lokal na campaign manager ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), aniya, sila ay nagpoprotesta lamang.[27]
Kahit na nakaligtas si Deheran, nahabol pa rin siya ng mga may balak sa kanya, at napatay habang nagpapagaling sana sa ospital. Mabilis at brutal, ngunit maaaring alam na ng tatlo na ito ang kanilang magiging kapalaran. Mismong kapitan ng Sapang Bato ang nagsabi na bukod sa tatlo, 46 katao pa ang pinaplanong dakpin dahil sa paglahok sa kilusang boykot. Ito ay – tulad ng isang dinayang halalan – tila pinagplanuhang kilos mula sa mga nasa kapangyarihan. Upang parisan ang mga mithiin ng kanyang anak, ipinagtapat ng nanay ni Deheran na nakumbinsi na rin siyang suportahan ang kilusang boykot.[28]

Isang artikulo mula sa Ang Pahayagang Malaya Tomo III, Blg. 90 (Hunyo 4, 1984) na inulat ang huling araw ng isa sa mga biktima, na nakagawa ng sinumpaang salaysay kung saan natukoy nito ang mga salarin. Larawan inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.
Kinaumagahan, nagbabantay ang nanay ni Deheran sa labas ng intensive care unit, kung saan nagpapahinga si Deheran matapos ng kanyang operasyon. Napansin niya ang isang lalaking humila sa general switch ng ospital, na siyang nagputol ng elektrisidad. Nabalisa ang mga tao. Sa gitna ng kaguluhan, isa pang lalaki ang pumasok sa kwarto ni Deheran. Maya’t maya narinig ang sigaw ng kapatid ni Deheran mula sa loob ng kwarto. Pagpasok ng kanyang ina, nakita niya si Deheran habang hawak nito ang isang sugat, kung saan lumalabas ang isang berdeng likido. Ipinalagay nilang ito ay lason.[25]
Lumala ang kalagayan ni Deheran matapos nito. “Sinabi [niya] sa akin na huwag na siyang iwan sa kanyang tabi sapagkat mamamatay na raw siya,” sabi ng nanay ni Deheran. Naging balisa ito, at madalas magsuka at kapusin ng hininga. Sa kabila nito, nagawa pa rin ni Deheran na makwento ang nangyari sa kanya hapon ng Hunyo 2 sa mga bisitang abogado, doktor, at madre. Nakasulat din siya ng sinumpaang salaysay na nagsasaad ng lahat ng nangyari, kasama na ang pagkilala niya sa mga salarin. Subalit, pagkatapos lamang ng humigit-kumulang tatlong oras, pumanaw na rin siya.[26]

Isang larawan mula sa Ang Pahayagang Malaya Tomo III, Blg. 93 (Hunyo 7, 1984), na ipinapakita ang pagproprotesta ng mga nagluluksa sa prusisyon para sa isa sa mga biktima. Larawan mula kay Linglong Ortiz, inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims' Memorial Commission.
Nadayang Laro
Tila simula pa lang, dinaya na ang tatlo. Sila ay ikinulong, binugbog, at sa huli ay pinatay dahil lamang pinaghinalaan silang mga rebelde; hinalang nabuo lamang dahil sa kanilang paglahok sa kilusang boykot. Hanggang sa huli, itinanggi nilang sila ay mga rebelde. Itinanggi rin ng kanilang mga pamilya ang paratang na ito. Maging ang kapitan ng kalapit na barangay Sapang Palay ay dumepensa rin para sa kanila. Kahit na siya ay isang lokal na campaign manager ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), aniya, sila ay nagpoprotesta lamang.[27]
Kahit na nakaligtas si Deheran, nahabol pa rin siya ng mga may balak sa kanya, at napatay habang nagpapagaling sana sa ospital. Mabilis at brutal, ngunit maaaring alam na ng tatlo na ito ang kanilang magiging kapalaran. Mismong kapitan ng Sapang Bato ang nagsabi na bukod sa tatlo, 46 katao pa ang pinaplanong dakpin dahil sa paglahok sa kilusang boykot. Ito ay – tulad ng isang dinayang halalan – tila pinagplanuhang kilos mula sa mga nasa kapangyarihan. Upang parisan ang mga mithiin ng kanyang anak, ipinagtapat ng nanay ni Deheran na nakumbinsi na rin siyang suportahan ang kilusang boykot.[28]
Ikaapat na Sangkapat: Pagbawi Mula sa Pagkatalo
Prusisyon sa Libingan
“Sayang. Nawalan kami ng isang magaling na basketbol player.” Sabi ito ng tindera ng isang sari-sari store sa isang reporter na tumutok sa libing ni Deheran ng Hunyo 6; nailibing na si Cabrera at Castro noong Hunyo 3.[29] Respetado ang tatlo sa kanilang komunidad. Apatnapu’t dalawa sasakyan, kasama ang humigit-kumulang 1000 katao ang sumama sa libing at prusisyon para magpaalam sa isa sa kanilang anak-bayan.[30]

Maging sa libing ni Deheran ay dumating ang isang grupo ng armadong kalalakihan mula sa PC at sa CHDF. Ginambala ng mga naturang lalaki ang mga nakikiramay sa pamilya ni Deheran. Patuloy nilang iniinsulto at sinisigawan ang mga ito. Sila ay nagngangalit sa mga umaakusa sa kanilang kampo sa pagkamatay ng tatlong biktima. Tinakot pa nila ang grupo ng mga reporter at madre at inutusang umuwi ang mga ito.[31] Nang makarating ang grupong ito sa isang military checkpoint, sinigawan sila ng isang kumander at tinutukan ng baril ng mga sundalo. Sinubukan din ng mga sundalo na pigilan ang mga reporter sa pagkuha ng mga litrato. Nang hindi tumigil ang isang reporter mula sa Manila Hotline, hinabol ito at tinutukan ng baril sa ulo. Nakuha ang kanyang kamera ngunit naibalik din kalaunan.[32]
Hindi nagpadala ang grupo. Hinamon ng mga madre na bumaril ang mga sundalo, nagpatuloy ang mga reporter, at umabante ang mga tao, kaya napilitang umatras ang mga sundalo. Pagdating ng kapitan ng barangay, pinapasok nito ang mga sundalo sa kanilang opisina.[33] Binalot ng takot ang bayan. Galit ngunit nag-iingat ang mga residente, pagkat alam nilang ang patuloy na pagproprotesta ay magdadala ng tiyak na panganib sa kanilang mga buhay. Umayon ang isang residente sa nakaraang sinabi ng kanilang kapitan at sinabi sa mga tagapag-ulat na “baka hindi magtagal at maging higit sa tatlo ang mga martir ng Sapang Bato”.[34]
Itinangging Hustisya
Takot din ang pamilya ng mga biktima, kung kaya’t pinili nilang ipaubaya na lamang ang imbestigasyon sa mga awtoridad. Subalit idinaing din nila ang mabagal na pagkilos ng mga imbestigador upang simulan na ang pag-iimbestiga.35 Sa halip, inilunsad ang isang fact-finding mission sa pagtutulungan ng mga tao mula sa Boycott-Central Luzon, ang lokal na bahagi ng kilusang boykot, ng Task Force Detainees Philippines (TFDP), at ng Concerned Citizens of Pampanga (CCP).[36]
Ilang taon ang nakalipas, nakapagdesisyon na rin ng mga magulang ng biktima na maghain ng kaso sa Regional Trial Court ng Angeles City. Laban ito sa dalawang operatiba ng CHDF na pinangalanan ni Deheran, sa isang sarhento at sa tatlong hindi kilalang sundalo, ang anim na responsable sa pagkamatay ng tatlo.[37] Subalit, sampung taon matapos ang insidente, napag-alaman ng Commission on Human Rights na napatay na ang dalawang miyembro ng CHDF. Hindi na rin nakausad ang kaso laban sa iba.[38] Sa pagkakapatay sa mga biktima at sa itinuturong dahilan para rito, ang biglaang pagkamatay ng mga salarin at ang pagkaligtas ng iba pa sa pagkakasakdal ay hindi matatawag na hustisya. Nahirapan lalo ang mga pamilya at tagasuporta ng mga biktima upang makabawi mula sa kanilang kawalan, lalo na’t hindi tiyak ang maaaring mangyayari.

Isang headline mula sa isyu ng The Manila Hotline Tomo I, Blg. 3 (Hunyo 13-18, 1984) na inuulat ang pangha-harass ng militar sa grupo ng madre at media matapos ang libing ng isa sa mga biktima. Larawan inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.

Nasa Atin Ang Susunod Na Hakbang

Ang Wall of Remembrance sa Bantayog ng mga Bayani, kung saan nakaukit ang mga pangalan nila Cabrera, Castro, at Deheran. Larawan kuha ni Reginald C. Coloma noong Hunyo 10, 2021
Ang Resulta
Hindi nakalimutan ang mga martir ng Sapang Bato. Ipinaglaban ng kanilang mga magulang ang pagkilala ng kanilang kabayanihan at pinagdaanan noong rehimeng Marcos. Napabilang sila sa “Human Rights Litigation Against the Estate of Ferdinand E. Marcos,” (MDL No.840, CA No.88-0390, isang kasong inihain ng mga biktima ng paglabag ng karapatang pantao at ng kanilang pamilya noong panahon ng Martial Law.[39] Kabilang din ang kanilang pangalan sa unang listahan na nakaukit sa Wall of Remembrance ng Bantayog ng mga Bayani noong 1992. Nakasama rin sila sa listahan ng 11,103 na mga pangalang kasama sa Roll of Victims ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission (HRVVMC).[40]
Hindi rin nasayang ang kanilang pagsisikap sa kilusang boykot. Bagamat nagtagumpay si Marcos at kanyang mga kaalyado, nagdulot naman ito ng higit na pagdududa sa kanilang kapasidad mamuno. Kinuwestiyon din ng mga lider ng kilusang boykot at ng mga kandidato ng oposisyon ang pagsasagawa ng eleksyon. Nagkaroon ng protesta at kaguluhan dahil sa mga nakitang anomalya, tulad ng pagbili ng boto, pandaraya, at iba pang uri ng electoral fraud. Ayon sa ulat ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), wala itong datos sa 10% ng mga probinsya sa bansa. Sa 26% naman, naging sobrang talamak ang electoral fraud kaya hindi mapagkakatiwalaan ang resulta rito.[41]
Dumanak ang dugo noong panahon ng eleksyon. Bukod sa mga namatay sa Sapang Bato, mayroon ding ulat ng mga pinatay sa ibang lugar. Mismong noong LAKBAYAN, apat sa mga nagmamartsa ang nawala. Nahanap na lamang ang kanilang mga bangkay sa Cavite. Mayo 14, araw ng halalan, sa Negros, 11 na katao ang hinuli at kinuwestiyon matapos nilang bumoto. Siyam sa mga ito ay natortyur at napatay pagkatapos.[42] Sa mga naging sagupaan ng NPA at ng Armed Forces of the Philippines, hindi bababa sa 91 ang namatay noong mismong araw lamang ng eleksyon.[43]
Ang Patuloy na Laban
Ang pagtatangka ni Marcos na gamitin ang halalan upang ibsan ang pagdududa sa kanya ay nagdulot lamang ng higit na pagdududa at kontrobersiya. Patuloy na kinuwestiyon ng mga tao ang kapasidad at awtoridad ng rehimeng Marcos hanggang sa dulo ng 1985. Dito idineklara ni Marcos ang pagsasagawa ng snap election. Isa itong huling pagkakataon para sa kanya na palabasing lehitimo ang kanyang pamamahala sa isang bansang sangkot sa kaguluhang pampulitika at pang-ekonomiya. Tulad ng alam ng karamihan, humantong ito sa People Power Revolution noong 1986.
Tila ito ang naging pattern sa mga huling taon ng diktaduryang Marcos. Ang mga protesta pagkatapos ng pagkamatay ni Aquino, ang kilusang boykot, ang protesta matapos ang halalan, at kalaunan, ang People Power Revolution. Ipinapakita sa mga ito ang mga Pilipinong kumikilos at nagbuwis ng buhay upang ipaglaban ang kanilang layunin, isulong ang kanilang karapatan, at igiit ang hustisya. Sa hindi makatarungang kadahilanan pilit na nailabas ang pagkabayani ng mga mamamayan at marami ang naging martir. Hindi nila kinailangang manggaling sa posisyon ng kapangyarihan o kayamanan. Kumilos lamang sila ayon sa kanilang paniniwala, at nagkaroon ito ng malalim na epekto. Sa ating pagbabaliktanaw sa mga kuwento ng mga martir ng Sapang Bato, maaari tayong magtanong. Sa harap ng isang pambansang krisis; sa tinitingnang maruming halalan; sa ilalim ng kurakot at brutal na rehimen; sa kalagayang hinarap ng tatlong martir, ano ang magagawa natin?
Nasa atin ang susunod na hakbang.
Mga Sangunian
[1] Apolonio Batalla, “Why the May 14 exercise is unique,” sa Bulletin Today, Mayo 10, 1984, 34, sa Election ‘84 -Boycott -Statements -Articles -Newspaper clippings, ‘84:3 Philippine Newspaper Clippings Bulletin Today Dec. ‘83-May 15 ‘84, Filippijnengroep Nederland Collection, Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, Quezon City, Philippines.
[2] Kim Rogal, Larry Rohter at Richard Vokey, “Facing a Future After Marcos,” sa Newsweek, Enero 30, 1984, 32-33, sa Election ‘84 -Boycott -Statements -Articles -Newspaper clippings, Elections ‘84:2 Articles on Election: -IHT, Newsweek, TEER, Filippijnengroep Nederland Collection, Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, Quezon City, Philippines; Angus Deming, Tenley-Ann Jackson at Richard Vokey, “Pointing a Finger at Marcos,” sa Newsweek, 18 Hunyo 1984, 26, sa Election ‘84 -Boycott -Statements -Articles -Newspaper clippings, Elections ‘84:2 Articles on Election: -IHT, Newsweek, TEER, Filippijnengroep Nederland Collection, Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, Quezon City, Philippines.
[3] Teodoro Benigno, “A nation in an angry mood,” sa Philippine Signs Vol. 1, No. 1: 3, 8, inakses April 20, 2023, mula sa Bantayog Digital Library sa https://www.bantayog.foundation/digital-library; “JAJA plans more protests,” sa Philippine Signs Vol. 1, No. 1 (Setyembre 29 – Oktubre 6, 1983): 3, 8, inakses April 20, 2023, mula sa Bantayog Digital Library sa https://www.bantayog.foundation/digital-library.
[4] Rogal, Rohter at Vokey, “Facing a Future After Marcos,” 33. Lumabis ng $600 milyon ang pagkalkula sa reserbang dolyar ng bansa at minaliit naman nito ang pagkakalkula ng pagkakautang nito ng $6 bilyon. Lalo pa itong nagdulot ng duda.
[5] Batalla, “Why the May 14 exercise is unique,” 25.
[6] Rogal, Rohter at Vokey, “Facing a Future After Marcos,” 33. Pat H. Gonzales, “Let the people do the talking,” sa Bulletin Today, Mayo 10, 1984, 25, 34, sa Election ‘84 -Boycott -Statements -Articles -Newspaper clippings, ‘84:3 Philippine Newspaper Clippings Bulletin Today Dec. ‘83-May 15 ‘84, Filippijnengroep Nederland Collection, Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, Quezon City, Philippines. Kahit na mayroon pa ring mga tumakbong kandidato mula sa oposisyon, malaking bahagi nito ay hindi lumahok dahil hindi pumayag si Marcos sa kanilang hiling na palayain ang mga bilanggong pulitikal, tanggalin ang paghihigpit sa midya at ang kanyang kontrol sa lehislatura.
[7] Lorenzo Tañada, “The 1984 Elections: Non-Participation Unless…,” sa ICHTHYS Vol. VII, No. 4 (Enero 27, 1984), ICHTHYS 1984 Folder 2, ICHTHYS 1984, 19, Filippijnengroep Nederland Collection, Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, Quezon City, Philippines.
[8] “Isang Sigaw: Boykot!” sa Philippine Signs vol. 1, no. 18 (March 10-16, 1984): 6-7, inakses April 20, 2023, mula sa Bantayog Digital Library sa https://www.bantayog.foundation/digital-library.
[9] Jo-Ann Maglipon, “SAKBAYAN North,” sa WHO Vol. VI, No. 9 (May 30, 1984), 18, 20, inakses April 20, 2023, mula sa Bantayog Digital Library sa https://www.bantayog.foundation/digital-library; Fe Esperanza, “SAKBAYAN South”, sa WHO Vol. VI, No. 9 (Mayo 30, 1984), 19, 21, inakses April 20, 2023, mula sa Bantayog Digital Library sa https://www.bantayog.foundation/digital-library.
[10] J. Raul Alibutud, “Sapang Bato: Where The Boycott Movement Lost Three,” sa WHO Vol. VI No. 12 (Hunyo 20, 1984): 6, inakses Marso 30, 2023, mula sa Bantayog Digital Library sa https://www.bantayog.foundation/digital-library; “Cabrera, Claro G.,” Bantayog ng mga Bayani, Oktubre 15, 2015, inakses Mayo 13, 2022, https://www.bantayog.org/cabrera-claro-g; “Castro, Rolando M.,” Bantayog ng mga Bayani, Oktubre 15, 2015, inakses Mayo 13, 2022, https://www.bantayog.org/castro-rolando-m.
[13] “Cabrera, Claro G.;” “Castro, Rolando M.;” “Deheran, Pepito L.,” Bantayog ng mga Bayani, Oktubre 15, 2015, inakses Mayo 13, 2022, https://www.bantayog.org/deheran-pepito-l; Alibutud, “Sapang Bato,” 6. Naging mekaniko rin si Castro.
[15] “Cabrera, Claro G.;” “Castro, Rolando M.;” Alibutud, “Sapang Bato,” 6; “3 more Lakbayanis stabbed dead,” sa Political Detainees Update Vol. 8, No. 11 (Hunyo 15, 1984), sa Political Detainees Update (1984-1986), 1984, Filippijnengroep Nederland Collection, Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, Quezon City, Philippines.
[16] Alibutud, “Sapang Bato,” 6-7.
[17] Ibid.; Salaysay ng claimant (Case No. 2014-14-00317, Quezon City, 2014), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission. Maaaring si Deheran mismo ang tinutukoy na kaibigan dito. Matapos ang kanyang pagkamatay, nabatid ng kanyang pamilya ang pag-apruba sa kanyang pasaporte para pumunta sa Middle East bilang manggagawa doon.
[18] Tinutukoy ng mga sanggunian ang Mayo 28, Lunes, bilang ang araw na nadampot ang tatlo, kasama na ang mga dyaryong nabasa ang salaysay ni Deheran. Sa kabila nito, may iilang sangguniang nagsasaad na naganap ito ng Mayo 30, Miyerkules. Kasama na dito ang nanay ni Deheran na dapat ding bigyang diin. Tugma rin ito sa sinasabi ng maraming sanggunian na nabilanggo at natortyur ang mga biktima ng dalawang gabi at isang araw. Kahit ano pa man, hindi pa rin maikakaila ang katotohanang nadakip at natortyur sila bago ang insidente ng Mayo 31, na matatalakay sa susunod na bahagi.
[19] Alibutud, “Sapang Bato,” 6; Salaysay ng claimant (Case No. 2014-14-10744, Quezon City, 2014), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission; Bobby S. Javier, “Mga madre at media tinutukan! Hotline photographer, inagawan ng kamera,” sa The Manila Hotline Vol. I, No. 3 (Hunyo 13-19, 1984), (Case No. 2014-14-10317, Quezon City, 2014), 12, n.p., inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.
[20] Salaysay ng claimant (Case No. 2014-14-10744).
[21] Ibid.; Joel C. Paredes, “Dying man implicates soldiers, CHDFs in ‘salvaging’ of boycott organizers,” sa Ang Pahayagang Malaya Vol. III, No. 90 (Hunyo 4, 1984), (Case No. 2014-14-10317, Quezon City, 2014), 1, inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission. Tulad ng nabanggit kanina, isang bersyon ng storya ang nagsasaad na dalawang gabi at isang araw silang nabilanggo at natortyur. Magtutugma ang dalawang naratibo sa Mayo 31.
[22] Salaysay ng claimant (Case No. 2014-14-00317); Paredes, “Dying man implicates soldiers,” n.p.
[23] “3 more Lakbayanis stabbed dead;” “Deheran, Pepito L.” Ang mga pulis, na kasama ang Apalit barangay captain, ang nakatugon sa pagsaklolo para kay Deheran.
[24] Salaysay ng claimant (Case No. 2014-14-00317), 2.
[25] Ibid. Ayon sa ilang sangguniang, partikular na sa mga dyaryo, hindi umano nagtagumpay ang salarin na atakihin si Deheran dahil sa saktong pagdating ng isang nars (o madre pa nga sa iba). Ngunit maitatatwa ito ng nanay ni Deheran, bilang saksi mismo, na nakita ang kanyang anak na may pinipisil na sugat.
[26] Ibid.; Paredes, “Dying man implicates soldiers,” n.p. Sa kanyang pag-uusap sa mga abogado, mariin niyang itinangging siya ay isang rebelde.
[27] Paredes, “Dying man implicates soldiers,” n.p. Ang anak ng kapitang ito, na naging bahagi ng kilusang boykot, ay naaresto rin.
[28] Alibutud, “Sapang Bato,” 6-7.
[30] Ibid., 6-7. Ayon sa isang artikulo sa Ang Pahayagang Malaya Vol. III, No. 93 (June 7, 1984), ang misa para sa tatlo, na idinaos ng Hunyo 6 sa Angeles City, ay dinaluhan ng higit 1500 nagluluksa.
[31] “3 more Lakbayanis stabbed dead,” 1, 10.
[32] Javier, “Mga madre at media tinutukan!,” n.p.; Alibutud, “Sapang Bato,” 7.
[34] Alibutud, “Sapang Bato,” 7; Paredes, “Dying man implicates soldiers,” n.p.
[35] Paredes, “Dying man implicates soldiers,” n.p.
[37] “Resolution,” CHR Case No. III-88-067 Komisyon ng Karapatang Pantao, September 28, 1994 (Case No. 2014-14-00317, Quezon City, 2014), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.
[39] “Resolution,” (Case No. 2014-14-00317, Quezon City, 2014), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission; “Resolution,” (Case No. 2014-14-10744, Quezon City, 2014), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.
[40] “Roll of Victims,” Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, inakses April 20, 2023, https://hrvvmemcom.gov.ph/roll-of-victims/. Bukod kay Deheran at Castro, kinilala rin ng HRVCB si Cabrera bilang isa sa mga Motu Proprio victims nito, o ang mga kinikilala para sa kanilang mga ginawa at ginampanang noong Martial Law, kahit pa hindi sila humingi ng pagkilala o kabayaran para rito. Tingnan ang: https://hrvvmemcom.gov.ph/roll-of-victims/roll-of-victims-motu-proprio/.
[41] KAAKBAY, “The May ‘Election’ — Who Won?” sa ICHTHYS Vol. VII, No. 22 (Hunyo 22, 1984), 5, sa ICHTHYS 1984 Folder 2, ICHTHYS 1984, Filippijnengroep Nederland Collection, Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, Quezon City, Philippines.
[42] Fe B. Zamora, “Long day’s journey into night ends for four marchers,” sa Mr.& Ms., Abril 27, 1984, 15, inakses April 20, 2023, mula sa Bantayog Digital Library at https://www.bantayog.foundation/digital-library; Carol O. Arguillas, “Massacre in Negros: A New Dimension of Brutality,” sa WHO Vol. VI, No. 12 (June 20, 1984), 14-15, inakses April 20, 2023, mula sa Bantayog Digital Library sa https://www.bantayog.foundation/digital-library.
[43] “The Toll Steadily Rises” in Veritas Vol. 1 , No. 27, (May 20-26, 1984), 6, inakses April 20, 2023, mula sa Bantayog Digital Library sa https://www.bantayog.foundation/digital-library. 60 ay mula sa militar, 16 mula sa NPA, and 15 ay pawang mga normal na mamamayan.