Mensahe ng Pangalawang Direktor Tagapagpaganap ng Komisyong Pang-alala sa mga Biktima ng Paglabag sa mga Karapatang Pantao para sa Buwan ng Wika
Inilathala noong Agosto 10, 2023
Pakinggan natin ang mensahe ni Dir. Lawrence Charles E. Salazar ang Pangalawang Direktor Tagapagpaganap ng Komisyong Pang-alala sa mga Biktima ng Paglabag sa mga Karapatang Pantao para sa Buwan ng Wika 2023

MEnsahe
“Naniniwala ang Komisyong Pang-alaala sa mga Biktima ng Paglabag sa mga Karapatang Pantao (HRVVMC) na may malaking epekto ang wika sa paraan ng pagtingin at pag-unawa ng mga tao sa mundo, at makakatulong ang paggamit ng ingklusibong wika sa pagtataguyod ng isang makatarungan at makataong lipunan.
Itataguyod ng Komisyon ang paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa gawaing umaalala sa kabayanihan at mga sakripisyo ng lahat ng Pilipino na naging biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao na nagawa noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at sa pagbabalik ng dangal at dignidad ng mga biktima.
Kinikilala rin ng Komisyon na mahalagang bahagi ng pagkakakilanlang kultural ng Filipino Deaf community ang Filipino Sign Language (FSL) at makakatulong ang paggamit ng FSL sa pagtiyak na magiging accessible ang mga serbisyo ng Komisyon. Sisikapin ng Komisyon, sa pamamagitan ng Lupon sa Wikang Filipino nito, na mapataas ang kasanayan ng mga kawani upang matiyak ang malawakang paggamit ng wikang Filipino, mga katutubong wika, at FSL sa mga serbisyo ng aming tanggapan.” – Lawrence Charles E. Salazar