Mensahe ni Maria Cristina P. Bawagan kaugnay sa pagtatapos ng buwan ng Marso, o ang Buwan ng Kasaysayan ng Kababaihan
Published on March 30, 2022

Tina Bawagan in 2016, during an interview with Rappler. Photo from Rappler, with permission from Ms. Bawagan.
Si Maria Cristina “Tina” P. Bawagan ay ang kasalukuyang Tagapulong ng Survivors’ Hub, isang organisasyon ng mga biktima ng paglabag ng karapatang pantao (human rights violations victims, o mga HRVV) sa ilalim ng Batas Militar 1972-1986.
Siya ay nagturo ng Araling Panlipunan sa Philippine Science High School – Main Campus nang mahigit sa 30 taon, kung saan sinikap niya, at kasalukuyang sinisikap ng kanyang mga kapwa guro, ang pagpapaabot ng mga aral ng panahong batas militar sa kanilang mga mag-aaral. Aniya, ang pagtuturo hinggil dito ay nagtataglay ng mahahalagang aral ukol sa karapatang pantao.[1]
Si Tina Bawagan ay isa sa 11,103 na kinikilala ng gobyerno bilang HRVV ng batas militar, alinsunod sa Batas Pambansa Blg. 10368, o ang Human Rights Victims’ Reparation and Recognition Act of 2013. Siya ay dinakip noong 1981 habang nag-oorganisa ng mga komunidad sa Nueva Ecija, at sa kamay ng militar ay nakaranas ng pagpapahirap at panggagahasa. Maging ang kanyang kapatid na babae, asawa, at mga kasama sa kilusan laban sa diktadurya ay naging biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao – sa ilalim ng kamay ng mga ahente ng pamahalaan.
Sa kabila nito, wika niya, hindi galit o paghihiganti ang pumupukaw sa kanya at sa ibang HRVV na panatilihing buhay ang malalagim na alaala ng batas militar. Bagkus, ito ay ang labis na pagnanais na itaguyod ang katotohanan at itanim sa mga puso ang pagmamahal sa bayan.[2]
Read more
references
[1] “Never Forget | Cristina Bawagan | TEDxDiliman,” 28 Pebrero 2017, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon, YouTube, 15:12, https://www.youtube.com/watch?v=kPIBnuhlbFc.