Pag-alala sa Daet Massacre ng 1981

IKALAWANG BAHAGI: TUNGO SA PAGKILALA AT HUSTISYA
Inilathala noong Hunyo 15, 2023

Ang artikulong ito na tungkol sa 1981 Daet Massacre ay mayroong mga istorya tungkol sa Human Rights Violations Vctims ng panahon ng Batas Militar. Para makita ang kabuoang Roll of Victims, tignan ito: Roll of Victims

Ang artikulong ito ay Part 2 ng isang serye ng artikulo tungkol 1981 Daet Massacre. Parabasahin ang part 1, pindutin ito: Daet Massacre Part 1 (FIL)
Para basahin ito sa Ingles, pindutin ang mga sumusunod: Daet Massacre Part 1 (EN) | Daet Massacre Part 2 (EN)

Header ng Pag-alala sa Daet Massacre ng 1981 part 2

Ang Apat na Napatay

Victims

Kuha ng sugatang Jaime Molina matapos ang insidente (itaas, kaliwa), ang puntod ni Elmer Lagarteja (itaas, kanan), at ang larawan ng bangkay ni Rogelio Guevarra kasama ang isa pang sugatang biktima (ibaba).
Mga larawan galing sa Pumipiglas: Detention and Military Atrocities in the Philippines, 1981-1982. Quezon City: Task Force Detainees of the Philippines, 1986, inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.

Apat ang napatay sa tinaguriang Camambugan o Daet Massacre, na tinatawag ding Black Sunday ng mga unang ulat tungkol sa nangyari.[1] Inilalagay sa humigit-kumulang 40 hanggang 50 ang opisyal na bilang ng mga sugatan.

Manggagawa sa pabrika si Elmer Lagarteja na tumutulong sa kanyang nanay para buhayin ang kanyang mga kapatid. Nasa bahay siya nang makarinig ng balita tungkol sa protesta. Dahil kasama ang mga kamag-anak niya, pati ang kapatid at tatay, sumama rin siya. Bagama’t hindi magsasaka ng niyog, nais niyang tumulong dahil sa marami siyang kilalang apektado sa sitwasyon ng Coco Levy.[2]

Tanda pa ng kanyang ina na nag-aantay siya sa bahay para sa magandang balita sa tugon ng pamahalaan sa kanilang hinaing. Kanyang natanggap ang balita ng pagkamatay ng kanyang anak, at marami sa Matnog ang naiwang balot sa takot.[3] Kabilang siya sa kaso ni Marcos, ang “Human Rights Litigation Against the Estate of Ferdinand E. Marcos” (MDL No.[840], CA No.[88]-0390). Ang kanyang tatay naman ang isa sa nanguna sa kaso laban sa mga itinuturong salarin.[4]

Galing Albay si Benjamin Suyat ngunit lumipat siya Camarines Norte. Naging magsasaka siya at tindera naman ang kanyang asawa. Mayroon siyang sampung anak kaya nagtatrabaho sila upang mapag-aral ang mga ito. Nang narinig niya ang tungkol sa rally, pumayag kaagad siyang sumama. Alam niyang para ito sa kanyang trabaho at para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Nanghikayat pa nga siya ng mga kaibigan.[5] Naalala ng isa niyang anak na namimitas siya ng dalanghita nang malaman niya ang nangyari sa kanyang tatay. Kasama ang asawa ni Suyat sa parehas na kaso laban kay Marcos at sa kaso laban sa mga salarin.[6]

Asawa at ama si Jose Alcantara, na nagtatrabaho para sa kanyang limang anak sa kanyang lupain at ani. Puno na rin siya sa patuloy na militarisasyon sa kanilang lugar. Gusto rin niyang iparating sa pamahalaan ang kanilang hinaing. Dahil dito, kaagad din siyang pumayag sumali sa kilos-protesta.[7] Ganoon din ang masasabi para kay Rogelio Guevarra. Nagtatrabaho siya sa sakahan nila ng kanyang asawa. Batid ni Guevarra ang nangyayari sa bansa. Alam niya ang pagpapayaman at korapsyon ng mga crony ni Marcos sa industriya ng niyog. Bilang lider sa kanyang komunidad, nanguna sa protesta si Guevarra at naging madaling target para sa mga sundalo noong insidente.[8]

Nasa harapan sila nang maganap ang barilan sa Camambugan. Sila ang apat na namatay kaagad sa kanilang mga tama sa katawan.

*warning: Graphic* News paper clipping depicting pictures of a wounded Jaime Molina, the grave stone of Elmer Lagarteja and a picture of Rogelio Guevarra’s body on the left next to another wounded victim Mga larawan mula sa dyaryo na may mga larawan ng isang sugatan na Jaime molina, ang puntod ni Elmer Lagarteja, at ang larawan ng katawan ni Rogelio Guevarra na katabi ng isang sugatan na biktima
Kuha ng sugatang Jaime Molina matapos ang insidente (itaas, kaliwa), ang puntod ni Elmer Lagarteja (itaas, kanan), at ang larawan ng bangkay ni Rogelio Gueva kasama ang isa pang sugatang biktima (ibaba).
Mga larawan galing sa Pumipiglas: Detention and Military Atrocities in the Philippines, 1981-1982. Quezon City: Task Force Detainees of the Philippines, 1986, inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.

Apat ang napatay sa tinaguriang Camambugan o Daet Massacre, na tinatawag ding Black Sunday ng mga unang ulat tungkol sa nangyari.[1] Inilalagay sa humigit-kumulang 40 hanggang 50 ang opisyal na bilang ng mga sugatan.

Manggagawa sa pabrika si Elmer Lagarteja na tumutulong sa kanyang nanay para buhayin ang kanyang mga kapatid. Nasa bahay siya nang makarinig ng balita tungkol sa protesta. Dahil kasama ang mga kamag-anak niya, pati ang kapatid at tatay, sumama rin siya. Bagama’t hindi magsasaka ng niyog, nais niyang tumulong dahil sa marami siyang kilalang apektado sa sitwasyon ng Coco Levy.[2]

Tanda pa ng kanyang ina na nag-aantay siya sa bahay para sa magandang balita sa tugon ng pamahalaan sa kanilang hinaing. Kanyang natanggap ang balita ng pagkamatay ng kanyang anak, at marami sa Matnog ang naiwang balot sa takot.[3] Kabilang siya sa kaso ni Marcos, ang “Human Rights Litigation Against the Estate of Ferdinand E. Marcos” (MDL No.[840], CA No.[88]-0390). Ang kanyang tatay naman ang isa sa nanguna sa kaso laban sa mga itinuturong salarin.[4]

Galing Albay si Benjamin Suyat ngunit lumipat siya Camarines Norte. Naging magsasaka siya at tindera naman ang kanyang asawa. Mayroon siyang sampung anak kaya nagtatrabaho sila upang mapag-aral ang mga ito. Nang narinig niya ang tungkol sa rally, pumayag kaagad siyang sumama. Alam niyang para ito sa kanyang trabaho at para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Nanghikayat pa nga siya ng mga kaibigan.[5] Naalala ng isa niyang anak na namimitas siya ng dalanghita nang malaman niya ang nangyari sa kanyang tatay. Kasama ang asawa ni Suyat sa parehas na kaso laban kay Marcos at sa kaso laban sa mga salarin.[6]

Asawa at ama si Jose Alcantara, na nagtatrabaho para sa kanyang limang anak sa kanyang lupain at ani. Puno na rin siya sa patuloy na militarisasyon sa kanilang lugar. Gusto rin niyang iparating sa pamahalaan ang kanilang hinaing. Dahil dito, kaagad din siyang pumayag sumali sa kilos-protesta.[7] Ganoon din ang masasabi para kay Rogelio Guevarra. Nagtatrabaho siya sa sakahan nila ng kanyang asawa. Batid ni Guevarra ang nangyayari sa bansa. Alam niya ang pagpapayaman at korapsyon ng mga crony ni Marcos sa industriya ng niyog. Bilang lider sa kanyang komunidad, nanguna sa protesta si Guevarra at naging madaling target para sa mga sundalo noong insidente.[8]

Nasa harapan sila nang maganap ang barilan sa Camambugan. Sila ang apat na namatay kaagad sa kanilang mga tama sa katawan.

Ang Ibang Mga Biktima

Marami rin ang mga tinamaan ngunit nakaligtas sila hanggang nadala sa ospital upang ipagamot.[9] Halos hindi na makatayo si Molina. Hindi rin siya makapagsalita dahil sa sugat sa mukha niyang nakapinsala din sa kanyang lalamunan. Nakuha niya ang atensyon ng ibang mga nakaligtas na tumulong magdala sa kanya sa ospital.[10] Tinamaan naman si Ernesto Encinas sa kamay at sa likod. Humingi siya ng tulong para madala sa Camarines Norte Provincial Hospital. Dito siya ginamot bago mailipat sa Philippine Orthopedic Hospital.[11]

Bukod kina Molina at Encinas, tinamaan din sina Raul Marilag, Reynaldo Rivera, at Crispin Abad din sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kinailangan magpagamot sa ospital.[12] Ilan lamang sila sa mga nabiktima ng militar noong araw na iyon. Marami sa kanila ang nanguna sa paghabol sa hustisya, para sa kanila at sa mga kaibigan nilang pumanaw.

Panawagan para sa Hustisya

Ilang araw ang nakalipas, lumabas ang mga balita tungkol sa naganap. Ayon sa publikasyon ng TFDP na Pumipiglas, isinisi ang nangyari sa mga miyembro ng NPA. Idiniin naman ng mga sumunod na istorya na hindi kilalang mga kalalakihan ang salarin. Binase ang mga ulat sa ikinuwento ng isang komander ng PC sa Camarines Norte. Sa katotohanan, mismong ang tenyente koronel na dawit sa insidente ang komander na ito. Agarang kinuwestiyon ito ng mga nakaligtas sa insidente, pati ang kanilang mga pamilya at saksi sa nangyari. Humiling sila ng wastong imbestigasyon.[13]

Walang mamamahayag o taga-litrato ang naroon nang maganap ang insidente. Sa kabila nito, maraming mga nakaligtas at mga saksi ang puwedeng magpabula sa kuwento ng tenyente koronel.[14] Pinabulaanan din ito ng KMTD, na direktang lumapit kay Marcos sa pamamagitan ng telegrama. Hiniling ng tagapangulo ng KMTD, na si Atty. J. Antonio Carpio, na matanggal sa puwesto ang lahat ng mga opisyales na kasabwat sa nangyari at magkaroon ng wastong imbestigasyon at paglilitis. Kinundena ni Carpio ang paggamit sa militar upang harangin ang mga mamamayang payapa lamang na ginagamit ang kanilang karapatang magpulong at mag-petisyon para masolusyonan ang kanilang mga hinaing.[15]

Ang tugon ng PC at ng pamahalaan: ang pag-aresto kay Atty. Carpio at kay Grace Vinzons Magana Hulyo 2 at 3. Base ang aksiyong ito sa isang PCO na inilabas mismo ni Marcos noong Hunyo 26. Laban ito sa dalawa dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Subversion Law (P.D. No. 885) at sa paglikha ng mga polyeto ng propaganda (P.D. No. 33). Ginamit ni Marcos ang bagong kapangyarihang ito upang mang-aresto ng sinuman, tulad ng nangyayari noong panahon ng pag- iral ng Batas Militar. Naging mas maliwanag na sa pag-aresto ng mga kritiko at miyembro ng oposisyon, walang nagbago matapos ang pagpapawalang-bisa ng batas militar. Pinalaya rin kaagad ang dalawa, matapos ang pag-alma ng mga tao sa Camarines Norte.[16] Alam ng lahat na hindi pinakinggan ang panawagan sa pamahalaan na tugunan ang nangyari.

Taong 1983, isang imbestigasyon ng Human Rights Committee ng Ministry of National Defense ang nagpawalang-sala sa sarili nitong mga tauhan. Para sa puno ng komite, na si Jose M. Crisol, kahit may mga salaysay, nanaig ang kredibilidad ng imbestigasyon at ng mga ebidensyang isinumite ng PC. Walang armas na natagpuan sa eksena o sa katawan ng mga biktima. Sa kabila nito, ipinagtibay ng komite na gumanti lamang ang militar sa mga raliyistang naunang nagpaputok sa kanila.[17]

Ang Paghain ng Kaso

Dahil dito, nanguna na ang pamilya ng mga biktima. Matapos ang pagpapatalsik kay Marcos noong 1986 at sa pagkakalikha ng Komisyon ng Karapatang Pantao (Commission on Human Rights, CHR), naghain sila ng reklamo. Para sa pagpatay at pisikal na pinsala laban sa lahat ng mga sundalong kasabwat sa insidente ang reklamo. Tinulungan sila ng mga abogado at ng opisina ng CHR sa Bohol. Tinanggap ang kaso ng probinsyal na opisina ng Kagawaran ng Hustisya (Department of Justice) sa Camambugan.[18] Noong Disyembre 27, 1996, inirekomenda ng mga prosecutor na sina Leo Intia at Oscar Villafuerte, ang paghain ng pormal na kaso laban sa mga inaakusahan. Para sa mga hindi kilalang salarin, na umabot sa 30 sundalo, isang legal precedent ang ginamit ng mga prosecutor. Maaaring madiin pa rin ang mga ito dahil malinaw na ipinapakita nilang mayroong sabwatan upang magsagawa ng aksiyong naaayon sa isang layuning labag sa batas.[19]

Pebrero 10 nang sumunod na taon, inihain na ang kaso, at nagbigay ng sapat na oras para magsumite ng kontra-ebidensya ang inaakusahang tenyente koronel at ang kapitan. Ngunit ipinapakita ng mga datos na kahit na may arrest warrant at na-subpoena ang dalawa, hindi na sila lumitaw. Lumipas ang warrant, at inarkibo na lamang ang kaso noong Marso 23, 1998 ng Regional Trial Court ng Camarines Norte.[20] Hindi alam kung ano ang nangyari sa dalawang pinuno at sa iba pang mga sundalong responsable sa masaker, ngunit malabong naparusahan sila. May ilang ulat pa, ilan mula sa Bulletin Today at Malaya, taon matapos ang masaker, na nagsasabing malaya pa rin ang dalawa, at tumaas pa ang ranggo sa ibang lugar.[21]

Pagkilala sa mga Biktima

Larawan ng isang marker sa Bantayog ng mga Bayani kung saan nakaukit ang pangalan nga mga biktima na sina Alcantara, Jose E. Lagarteja, Elmer L. Guevarra, Rogelio S. Suyat, Benjamen B.

Ang Wall of Remembrance na nasa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City, na ipinapakita ang mga pangalan ng mga biktima ng masaker sa Daet, kasama ang iba pang kinilala noong November 28, 2014.
Larawan kuha ni Reginald Coloma noong Hunyo 10, 2021.

Naghain ng claim para sa bayad-pinsala ang mga biktima ng masaker sa Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB). Naaprubahan ang mga ito para sa pagkilala at kabayaran mula sa HRVCB, dahil sila’y inabuso dahil lamang sa pagpapahayag ng hinaing at pagpoprotesta.[22]

Noong taong din ‘yun, kinilala ng Bantayog ng mga Bayani Foundation ang apat na napatay sa masaker. Inukit sa Wall of Remembrance ang mga pangalan nina Elmer Lagarteja, Benjamin Suyat, Rogelio Guevarra, at Jose Alcantara. Kinilala sila bilang mga martir na lumaban sa kahirapan, tumuligsa sa cronyism na nakapinsala sa kanilang pamumuhay at hanapbuhay, at kumundena sa mapang-abusong pamahalaan.[23]

Mahigit 40 taon na ang nakalipas mula nang maganap ang masaker sa Daet. Maaaring tingnan ito bilang isa lamang sa maraming insidente ng paglabag sa karapatang pantao noong rehimeng Marcos. Subalit naging tanyag ito dahil naganap ito buwan lamang matapos ang umano’y pagpapawalang-bisa ng Batas Militar para sa pagdating ni Pope John Paul II. Sa kanyang talumpati nang siya’y dumating noong Pebrero 17, 1981, sinabi ng Santo Papa na kailanma’y hindi mabibigyan ng katwiran ang pagyurak sa dignidad ng tao at sa mga karapatang nagtatanggol sa dignidad na ito.[24] Lalong ipinamalas ng masaker sa Daet, kung saan walang habas na dinusta ang dignidad at mga karapatang pantao na nabanggit, na walang katotohanan ang naging pagtanggal ng batas militar noong 1981.

Mga Sangunian

[1] “Massacre in Camarines Norte,” 16.

[2] “Lagarteja, Elmer Lis,” Bantayog ng mga Bayani, Hulyo 6, 2015, inakses Mayo 4, 2023.

[3] Salaysay ng claimant (Case No. 2014-5D-00723, Quezon City, 2014), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.

[4] Salaysay ng claimant (Case Nos. 2014-5D-00728, 2014-5D-00741, 2014-5D-00742, 2014-5D-00743, 2014-5D-00928, Quezon City, 2014); “Resolution,” Claimants et al v. Lt. Colonel, Captain and John Does, I.S. No. 96-5959 (1996).

[5] “Suyat, Benjamin Buena,” Bantayog ng mga Bayani, Hulyo 6, 2015, inakses Mayo 4, 2023. Naalala ni Reynaldo Rivera na si Suyat ang nag-imbita sa kanya.

[6] Salaysay ng claimant (Case No. 2014-5D-00732, Quezon City, 2014), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission; “Resolution,” Claimants et al v. Lt. Colonel, Captain and John Does, I.S. No. 96-5959 (1996).

[7] “Alcantara, Jose Esteban.”

[8] “Guevarra, Rogelio Salayon,” Bantayog ng mga Bayani, Hulyo 6, 2015, inakses Mayo 4, 2023.

[9] “Resolution” (Case Nos. 2014-5D-00723, 2014-5D-00732, 2014-5D-00736, 2014-5D-00744, Quezon City, 2014), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.

[10] Salaysay ng mga claimant (Case Nos. 2014-5D-00728, 2014-5D-00741, 2014-5D-00742, 2014-5D-00743, 2014-5D-00928, Quezon City, 2014).

[11] Ibid. Ayon sa mga ulat, kasama na ilan mula sa Bantayog ng mga Bayani, parehas umanong pumanaw sina Encinas at Arcega dahil sa kanilang mga sugat. Ngunit, dahil si Encinas mismo ang naghain ng claim para sa kanyang sarili sa HRVCB, maitatatwa ang ulat na ito. Malamang dahil ito sa mga naratibong galing lamang sa mga saksi, dahil walang taga-ulat o taga-litrato nang maganap ang insidente. Sa kabila nito, dahil ginamit ni Encinas ang mga sangguniang ito, maaaring magamit pa rin ito upang pagtibayin ang kanyang salaysay.

[12] Ibid. Ilan ito sa mga pangalang nabanggit sa mga salaysay nina Marilag, Rivera, at Abad, na pawang mga claimant sa HRVCB. Hindi na binanggit ang ibang mga pangalan dahil sa data privacy.

[13] Pumipiglas, 96-97. Isinumite ito ng ilan sa mga claimant sa HRVCB bilang magpapatunay sa kanilang mga salaysay. Dinedetalye sa publikasyon ng mga insidenteng nangyari sa bansa noong 1981 at 1982, kasama na ang naganap sa Daet.

[14] “Alcantara, Jose Esteban.”

[15] Pumipiglas, 97. Orihinal mula sa Ingles: “We denounce the use of the military to stop and disperse Filipino citizens peacefully exercising their constitutional right to assemble and petition for redress of grievances in an orderly manner.”

[16] Ibid.; “Massacre in Camarines Norte,” 16. Naghain pa sina Carpio at Magana ng petisyon para sa writ of habeas corpus, pero dahil napalaya kaagad sila bago pa man umabot ito sa korte, na-dismiss na lamang ang kaso..

[17] “Daet Massacre: The military pardons itself,” sa NASSA News Vol. XX, No. 8-10, Agosto-Oktubre 1983, 23.

[18] “Resolution,” Claimants et al v. Lt. Colonel, Captain and John Does, I.S. No. 96-5959 (1996).

[19] Ibid. Ito’y nasa People v. Carizo, 233 SCRA 687, at sinuportahan din sa People v. Padiano, na nagsasabing hindi kailangan ang pagkilala sa salarin na mismong gumawa ng aksiyon kung malinaw na mayroong sabwatang naganap. Orihinal mula sa Ingles: “collectively and individually clearly demonstrate the existence of a common design towards the accomplishment of the same unlawful purpose.”

[20] “Information,” People of the Philippines v. Lieutenant Colonel, and John Does, I.S. No. 96-5959 (1997), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission; “Order,” People of the Philippines v. Lieutenant Colonel, and John Does, I.S. No. 96-5959 (1997), inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission. Binago ang mga pangalan ng sanggunian alinsunod sa pamantayan ng HRVCB sa pagsasapribado ng pangalan ng mga salarin.

[21] Pumipiglas, 97.

[22] “Resolution.” (Case Nos. 2014-5D-00723, 2014-5D-00732, 2014-5D-00736, 2014-5D-00744, Quezon City, 2014). Kasama rin sa resolusyon na ito ang mga claim ng ibang biktima. Nalikha ang HRVCB noong 2014 sa ilalim ng B.R. Blg. 10368 upang tumanggap at maghatol ng mga claim ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao (human rights violations victims, HRVVs) noong panahon ng Batas Militar.

[23] “Daet Martyrs Citation,” Bantayog ng mga Bayani Foundation, Nobyembre 28, 2014, inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.

[24] Pope John Paul II, “Message of His Holiness Pope John Paul II to the President and to the People of the Philippines,” Pebrero 17, 1981, na-repost online sa The Holy See, inakses Mayo 4, 2022. Orihinal mula sa Ingles: “one can never justify any violation of the fundamental dignity of the human person or of the basic rights that safeguard this dignity.”