Pagkatapos ng Daet: Ang Kaso nina Atty. Carpio at Vinzons-Magana
Ang artikulong ito ay mayroong mga istorya ng mga Human Rights Violations Victims of the Panahong ng Batas Militar.
Para basahin ang kabuuan na listahan ng Roll of Victims, pindutin ang sumusunod na link: Roll of Victims
Para basahin ito sa Ingles: Bersyon sa Ingles
Para magbasa pa tungkol sa 1981 Daet Massacre pindutin ang mga sumusunod na link: Daet Massacre Part 1 (Ingles) | Daet Massacre Unang Bahagi (Filipino)

On July 31, 1981, Atty. J. Antonio M. Carpio, chairman of the Kilusang Mamamayan para sa Tunay na Demokrasya (KMTD), and Grace Vinzons-Magana, coordinator of the same, were released by President Ferdinand Marcos after about a month of detainment. On the surface, this may appear to be just another case of political prisoners being released. However, a dive into the details reveals a complicated chain of events, tying it to the infamous June 14 Daet Massacre.
Ang KMTD
Ang KMTD ay binuo sa Naga City noong Mayo 23, 1981 upang pangatawanan ang mga inaabuso. Kasama dito ang mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralitang tagalungsod, kabataan, at iba pang mga grupong pinatatahimik ng rehimen ni Ferdinand Marcos. Bilang bahagi ng kanilang trabaho, nagsasagawa sila ng mga protesta. Pakikiisa ito sa mga grupong ito upang palakasin ang kanilang mga panawagan at protesta para sa reporma at tulong. Kaagad silang tumibay sa rehiyon ng Bicol nang nakapaglungsad sila ng serye ng matagumpay na protesta noong Hunyo sa iba’t ibang probinsya.[1] Kasama sa mga hinanaing nila ay ang panawagang i- boykot ang paparating na eleksyon. Kakaunti lamang ang naniniwalang may mananalong ibang kandidato maliban kay Marcos.
Ang Masaker sa Daet

Larawan ng isang 1982 Situationer nilikha ng Bicol Concerned Citizens’ Alliance (BCCA), Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) - Bicol Region, at Concerned Citizens for Justice and Peace (CCJP) tungkol sa Daet Massacre (pansinin ang taong nakalagay na 1982; naganap ang masaker noong 1981). Larawan galing sa Bantayog ng mga Bayani Foundation.
Sinuportahan ang mga kilos-protestang ito ng mga partido ng oposisyon, tulad ng pambansang United Nationalist Democratic Organization (UNIDO) at ang lokal na Bicol Saro. Dahil din dito, naging mas maingay din ito sa pandinig ng lokal na nakatalagang pwersang militar. Naghanda ang KMTD para sa sabay-sabay na mga protestang nakatakda para sa Hunyo 14, 1981 laban sa halalan at sa mapanlinlang na coconut levy fund. Sa kabilang banda, naghahanda rin ang ika-242 Philippine Constabulary (PC) Company na pigilan ang kilusang boykot na kanilang binabansagang “inspirado ng NPA.”[2]
Sa araw na iyon, nagsimula ang pagmamartsa ng mga magpo-protesta sa Albay at Camarines Sur; mayroon ding binabalak para sa Camarines Norte. Subalit humigit-kumulang 3000 nagmamartsa patungo sa Daet ang hinarang at pinagbabaril ng mga miyembro ng PC. Apat ang napatay at humigit-kumulang limampu ang nasugatan..[3] Inutusan ng mga sundalo na lumuhod ang mga nakaligtas habang ang kanilang mga kamay ay nakahawak sa likod ng kanilang ulo. Malamang lumala pa ang sitwasyon kung hindi dahil kay Grace Vinzons-Magana, coordinator ng KMTD. Siya’y humarang sa harap ng mga raliyista at nakiusap sa militar. Nakinig ang militar. Hinayaan nilang makaalis ang mga nakaligtas at tinulungang dalhin ang mga sugatan at mga bangkay papunta sa ospital gamit ang kanilang sasakyan.[4] Sa kabila ng lahat, hindi rito natapos ang trahedya.

Galit

Jose W. Diokno (kaliwa) and Chino Roces (kanan). Digital na mga larawan galing sa Bantayog ng mga Bayani Foundation.
Kinuwestiyon nina Magana at ang tagapangulo ng KMTD na si J. Antonio Carpio, kasama si Gov. Fernando Pajarillo, ang mga pinuno ng PC tungkol sa nangyari. Sumagot sila na tumugon lamang ang kanilang mga tauhan matapos tangkaing barilin ng isa sa mga raliyista ang mga sundalo.[5] Sa mga sumunod na araw, iniulat sa mga pahayagan na ang nangyari sa Daet ay isang engkwentro sa pagitan ng NPA at militar.[6] Galit na nagpadala ng mensahe si Carpio kay Pangulong Marcos tungkol sa nangyari. Kanyang idinemanda ang pagtanggal sa puwesto ng mga salarin at ang pagsisiyasat sa naganap na patayan. Dumating sa Camarines Norte noong Hunyo 20 ang isang fact-finding team mula sa Maynila na pinamumunuan nina Sen. Jose W. Diokno at Chino Roces. Sila ang nag-imbestiga sa masaker at nagbigay ng suporta sa mga biktima at sa KMTD.
Ang Kaso nina Atty. Carpio at Vinzons-Magana
Bago pa man sila makapagsimulang mapanagot ang may sala, naaresto naman sina Carpio at Magana.[7]
Sila’y inaresto at ikinulong nang walang pormal na kaso. Pagkatapos lamang nilang magsampa ng petition for habeas corpus nakapagsampa ng reklamo laban sa kanila ang PC Regional Command V. Gayunpaman, ang pangunahing batayan ng kanilang pag-aresto ay ang presidential commitment order (PCO). Inilabas mismo ito ni Ferdinand Marcos noong Hunyo 26, sa kadahilanang sila ay lumabag sa Anti-Subversion Law (PD No.885) at sa paggawa ng mga polyetong pampropaganda (PD No.33).[8] Mayroong ganitong kapangyarihan si Marcos dahil sa Presidential Decree No.1936 and Letter of Instruction No.1125-A, na napirmahan noong 1981, buwan lamang bago ang insidente.[9]
Inangat ang kanilang kaso sa Korte Suprema. Nagpetisyon sila na labag sa batas ang pag- aresto sa kanila dahil, sa pagtanggal ng Batas Militar, nawala na ang kapangyarihan ng pangulo na maglabas ng mga utos. Gayunpaman, hindi sumang-ayon ang Korte Suprema. Itinuring nito na ang mga aksyon ng pangulo ay naaayon sa batas at wasto, “alinsunod sa reserbasyon ng kapangyarihan sa ilalim ng Presidential Proclamation 2045, na ginamit ng Pangulo sa lakas ng ebidensyang iniharap sa kanya.”[10] Nagsilbi itong malinaw na patunay na ang pagpapawalang-bisa ng Batas Militar, gaya ng inakala ng karamihan, ay palabas lamang. Ginawa ito upang magkaroon ng ilusyon ng pagbabago, dahil tiniyak ni Marcos na mapapanatili pa rin niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan pagkatapos.
Suporta at Tagumpay
Sa kabila nito, bumuhos ang suportang natanggap nina Carpio at Magana mula sa kanilang mga kaibigan at kaalyado. Mga petisyon mula sa mga organisasyon ng karapatang pantao, mga grupo ng abogado, at mga organisasyong panrelihiyon ang inihain upang ipanawagan ang pagpapalaya sa dalawa. Sinamahan sila ng mga ito hanggang Hulyo 30, 1981, nang dumalo sila sa pagdinig ng kanilang petisyon. Kinatawan sila ng humigit-kumulang dalawampung abogado, karamihan mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Free Legal Assistance Group (FLAG). Si Sen. Diokno ang tumayong punong tagapayo nilang dalawa.[11]
Ngunit sa huli, maaaring hindi ang kanilang mga abugado ang naging susi sa kanilang paglaya. Masasabing ang boses ng kanilang mga tagasuporta at kaalyado ang nagdiin kay Marcos. Karamihan dito ay nagmula sa mga mismong sektor ng lipunan na kinatawanan at tinulungan ng KMTD. Ang maraming protesta at petisyon para sa kanilang paglaya ay humantong sa pagkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ni Marcial Pimentel, pulitiko mula sa Camarines Norte, at Pangulong Marcos. Pumayag si Marcos at naglabas ng utos para palayain ang dalawa isang araw bago ang nakatakdang pagdinig.[12] Pormal na pinalaya ang dalawa kinabukasan, matapos ibasura ng korte ang petisyon bilang “moot and academic.”
Halaga

Larawan ni J. Antonio Carpio. Kinuha mula sa digital na larawan galing kay Bob Carpio.
Ang tagumpay na ito ay isa ring maliit na tagumpay pabor sa pagtatanggol sa kalayaang magpulong. Ipinagtibay ito ng komento ng Punong Mahistradong si Enrique M. Fernando na nagsabing
“sa pag-alis ng batas militar, ang mga tao ay may karapatan na ang pagsunod sa konstitusyonal na karapatan sa mapayapang pagpupulong ay hindi magkakaroon ng masamang kahihinatnan… Kasabay nito, ang kasiglahan sa pagganap ng mga tungkulin ng [Sandatahang Lakas] ay hindi makapagbibigay-katwiran sa anumang pagkawala ng paggalang na dapat obserbahan sa kalayaan ng isang mamamayan.”
Bahagyang napawi nito ang pangamba ng mga mamamayan at kakayahang mang-abuso ng mga pwersang militar.[13]
Pagkatapos ng kanilang paglaya, agarang ginampanan muli nina Carpio at Magana ang kanilang mga responsibilidad sa KMTD. Patuloy silang naghabol ng pananagutan para sa mga biktima ng Daet Massacre. Maaaring nabaon na ang Daet Massacre dahil hinangad din ng mga salarin na patahimikin ang mismong mga taong nagsisikap humingi ng hustisya. Bagamat ang mga salarin sa likod ng masaker ay hindi kailanman naparusahan, naukit sa isipan ng marami ang Daet Massacre. Nakumpirma ng mga Pilipino ang kanilang hinala na ang kalagayan ng Pilipinas ay hindi nagbago kahit na napawalang-bisa umano ang Batas Militar. Kaya’t ipinagpatuloy nila ang pakikipaglaban sa loob ng maraming taon hanggang sa tuluyang mapabagsak ang diktadurya ni Marcos.

#WeRemember
Kaya tayo’y nagbabaliktanaw na napuwersa ng mga tao si Ferdinand Marcos na palayain sina Atty. J. Antonio Carpio at Grace Vinzons-Magana, dalawang tagapagtanggol ng karapatang pantao, mula sa kanilang hindi makatarungang pagkakakulong. Sa isang tunay na pagpapakita ng pagkakaisa, ang mga taong karaniwa’y tinutulungan nina Carpio at Magana ang mismong nagbigay ng boses sa kanila. Halimbawa ito na hindi matitinag ang sama-samang kagustuhan ng
mga tao na itaguyod ang katotohanan at katarungan, isang aral na maaari nating isabuhay ngayon.
Sangunian
[1] Soliman M. Santos, Jr., Heart and Mind in Bicol, 1975-1993 (40 Selected Activist Writings) (Nailimbag sa Pasig: Oragon Publications, 1994), 100-101.
[3] “Massacre in Camarines Norte,” sa “1982 Situationer,” Bicol Concerned Citizens’ Alliance, Task Force Detainees of the Philippines – Bicol Region, and Concerned Citizens for Justice and Peace, 1982, 14-15, inakses mula sa arkibo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.
[4] Salaysay ng mga claimants (Case Nos. 2014-5D-00728, 2014-5D-00741, 2014-5D-00742, 2014-5D-00743, 2014-5D-00928, Quezon City, 2014); “Alcantara, Jose Esteban,” Bantayog ng mga Bayani, Hulyo 6, 2015, inakses Hunyo 10, 2021.
[5] Heart and Mind in Bicol, 102.
[6] Pumipiglas: Detention and Military Atrocities in the Philippines, 1981-1982 (Quezon City: Task Force Detainees of the Philippines, 1986), 96-97.
[7] Ibid., 97; Heart and Mind in Bicol, 102. Sa isang kaso ng balintuna, sila ay naaresto ng dalawang salarin na kanilang hinahabol ukol sa isyu ng masaker. Bukod pa rito, si Magana ay napiit sa Camp Vinzons, na ipinangalan kay Wenceslao Vinzons, isang bayani ng digmaan at lolo niya mismo.
[8] G.R. No. L-57439, “J. Antonio M. Carpio and Grace Vinzons-Magana, petitioners, vs. Lt. Col. Edgar Guevarra, as Camp Commandant, Camp Bagong Ibalon, Regional Command V, respondent,” The Lawphil Project, August 27, 1981, inakses Marso 30, 2023.
[9] “Presidential Decree No. 1836, s. 1981,” Official Gazette, January 16, 1981, accessed March 30, 2023; “Letter of Instruction No. 1125-A, s. 1981,” Official Gazette, May 25, 1981, accessed March 30, 2023. Dahil sa mga ito, naging kapangyarihan ni Marcos maglabas ng mga commitment order, na pinahihintulutan sa Presidential Decree No. 1836, kahit walang umiiral na batas militar o kahit hindi suspendido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus.
[10] Ibid. Orihinal mula sa Ingles: “pursuant to the reservation of power under Presidential Proclamation 2045, exercised by the President on the strength of the evidence before him.”
[11] Heart and Mind in Bicol, 106-107.
[13] Ibid, 108-109; G.R. No. L-57439. Orihinal mula sa Ingles: “with the lifting of martial law, the people have a right to expect that reliance on the constitutional right to peaceful assembly would not be visited with adverse consequences… At the same time, zeal in the performance of the [Armed Forces’] duties cannot justify any erosion in the respect that must be accorded the liberties of a citizen.”