

Ayon sa Sek. 27 ng B.R. Blg. 10368, “Ang mga kapangyarihan at gampanin ng Komisyon ay hahawakan ng Lupon ng mga Tagapangasiwa,….” Bukod dito, nakasaad din sa batas na “ang Komisyon ay ikakawing sa CHR para lamang sa mga layunin ng pagbabadyet at administrasyon. Ang badyet para sa operasyon ng Komisyon ay magmumula sa General Appropriations Act, o ang Batas Pangkalahatang Apropyasyon.”

Ang ilang bahagi ng logo ay nagbibigay-pugay din sa ibang mga simbulo. Ang asul ng bilog ay nakapagpapaalala sa kulay ng United Nations, na siyang lumikha sa Pandaidigang Pahayag ng Karapatang Pantao noong 1948. Ag walong sanga naman sa loob ng bulaklak ay hango sa sinag ng araw na tampok sa bandila ng Pilipinas.


Ang Limang daang milyong piso (₱500,000,000.00) ay nagmumula sa naipong interes ng Sampung bilyong piso (₱10,000,000,000.00) na pondong itinabi para sa pagpapatupad ng B.R. Blg. 10368. Ang pondong ito ay bahagi ng halagang inilipat ng Swiss Federal Supreme Court sa Gobyerno ng Pilipnas, at hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas sa Republic vs. Sandiganbayan sa ika-15 ng Hulyo 2003 (G.R. No. 152154) bilang nakaw na yaman ng mga Marcos.

Ang Museo ay hango sa brutal na arkitektura, isang karaniwang istilo sa mga istrukturang itinayo ng pamahalaan noong panahon ng diktadurang Marcos. Orihinal na binalak itong itayo sa Bonifacio Global City, at kalaunan sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, ngunit natagpuan ng Museo ang tahanan nito sa loob ng UP Diliman campus. Naniwala ang yumaong CHR Chairperson na si Chito Gascon na ito ang “pinakalohikal na lugar… isang batong layo mula sa kinaroonan ng mga barikadang itinayo ng mga aktibista ng Diliman Commune.”
