Masasabing nagkaroon ng isyu ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos dahil sa pagbibigay diin ng administrasyon ni pangulong Jimmy Carter sa karapatang pantao, na hindi akma sa administrasyon ni Marcos na matagal nang binabatikos dahil sa walang habas na abuso at korapsyon. Dahil dito, layunin ni Marcos na muling paigtingin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong pamumuno ni Reagan.

Ayon sa Artikulo 17, Sek. 3 (2) ng Saligang Batas ng 1973, ang lahat ng mga proklamasyon, utos, dekreto, at akto na ipinroklama ni Marcos ay mananatili maging sa pagpapawalang-bisa ng batas militar, at ito naman ay iginiit sa Prok. Blg. 2045.

Kabilang sa mga proklamasyong nanatili ay ang P.D. 1834 (“Increasing the Penalties for the Crime of Rebellion, Sedition, and Related Crimes,…”), P.D. 1835 (“Codifying the Various Laws on Anti-Subversion and Increasing the Penalties for Membership in Subversive Organizations”), at P.D. 1836 (“Defining the Conditions Under Which the President May Issue Orders of Arrest or Commitment Orders During Martial Law or When the Privilege of the Writ of Habeas Corpus is Suspended”) na naipasa sa mismong araw bago ang pagpapawalang-bisa ng batas militar.

Bukod pa rito, makikita sa kasalukuyang naka-index na datos ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) na ang Roll of Victims ay may 5,045 na biktima mula 1972 hanggang 1980, habang 5,089 ay mula naman 1981 hanggang 1986.

Ipinapakita nito na hindi lamang nagpatuloy ang pang-aabuso sa karapatang pantao matapos maipawalang-bisa ang batas militar. Bagkus, maaaring lumaganap pa ito lalo.

Ang Roll of Victims ay makikita sa pahina na ito sa website ng HRVVMC: Link

#WeRemember
#NeverForget
#NeverAgain
#DiNaMuli

Mga Sangunian

  1. 1973 Constitution of the Republic of the Philippines,” Enero 15, 1973, inakses Enero 12, 2023, .
  2. Ab Tan, “Marcos Ends Martial Law, Keeps Tight Grip,” The Washington Post, Enero 18, 1981, inakses Enero 13, 2022.
  3. Albert Celoza, “A Complete Government Takeover,” sa Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism (Westport, CT: Praeger Publishers, 1997), 73-74.
  4. Ferdinand Marcos, “Speech of President Marcos during the termination of Martial Law,” Official Gazette, Enero 17, 1981, inakses Enero 12, 2023.
  5. Henry Kamm, “Marcos Frees 341; Lifts Martial Law,” The New York Times, Enero 18, 1981, inakses Enero 17, 2023.
  6. Manuel L. Quezon III, “The Road to EDSA: The Fabric of Freedom,” Today Newspaper, Pebrero 25, 1996, inakses Enero 13, 2023, ini-repost sa Tumblr account ni Quezon.